Search

Solar Panels: Positibo at Negatibong Epekto sa Ekonomiya ng Bansa

Solar Panels: Positibo at Negatibong Epekto sa Ekonomiya ng Bansa

Nagbabalak ka bang bumili ng solar panel? Maaaring iniisip mo ang laki ng iyong magagastos kapag bumili ka ng kahit isa lamang nito. Kadalasan sa mga solar panel ay napakamahal at minsan ay hindi naaabot ng budget kaya nahihirapan tayo na mag-invest dito. Ang isang solar panel ay nagkakahalaga ng ilang libong piso at iyan ay isang napakalaking halaga lalo na sa panahon ngayon.



Bakit nga ba mahal ang solar panel?

Ang magagastos mo sa solar panel ay nagdedepende sa dalawang salik na ito- ang lokasyon ng iyong bahay at ang kinakailangan nitong kuryente. Bawat bahay ay may iba’t ibang pangangailangan ng kuryente. Kapag mas malaki ang konsumo ng kuryente, mangangailangan ito ng mas malalaki o kaya ay mas maraming solar panel upang matustusan ang pangangailangang ito. Nakakaapekto din ang lokasyon ng iyong bahay sa kakayahan ng solar panel sa paggawa ng kuryente. May mga salik katulad ng haba ng tag-araw at tag-ulan, hangin at iba pa na maaaring makabawas sa pagiging efficient ng solar panel. Kapag hindi masyadong maganda ang lokasyon ng iyong bahay, kakailanganin mo ng mas marami pang solar panel dahil sa kakaunti lang ang kayang imanupaktura ng isang solar panel. Ang isa pang bagay na nakakadagdag sa gastos ng pagkakaroon ng solar panel ay ang mga bateriyang kailangan upang makapag-imbak ng enerhiya. Kailangan ito upang magamit pa rin ang enerhiya ng araw kahit sa gabi o kaya ay kapag maulap o maulan ang panahon. Madalas din palitan ang mga bateriyang ito kaya nakadaragdag din ito sa gastusin. Kahit pa mahal at medyo malaki ang magagastos sa solar panel, may mga tao pa ring lumilipat na mula sa conventional energy patungo sa solar energy. Ito ay dahil iniisip nilang makakatipid sila sa katagalan at ang paunang gastos ay mapapalitan naman ng mas maraming benepisyo.

Paano makakatipid sa solar panel?

Ang pinagkukunan ng enerhiya ng mga solar panel ay ang araw. Ito ang pinakaefficient na pinagkukunan ng enerhiya at syempre, ito ay libre. Hanggang nandyan ang araw, makakakuha tayo ng enerhiya mula rito. Ang conventional energy ay maaaring maubos lalo na sa susunod na mga dekada. Dahil diyan, maaaring tumaas pa ang magagastos natin sa buwan-buwan na pagbabayad ng electric bill. Ang pagkakaroon ng solar panel ay makapagbibigay ng savings sa monthly bill ng kuryente dahil hindi mo na kailangan umasa pa sa gridline ng mga kompanya upang makakuha ng kuryente. Sa panahon ngayon, nagtataasan na ang pati ang bayarin sa kuryente. Maiwasan mo ang mga pagtaas na ito kapag may sarili kang kagamitan sa pagmamanupaktura ng enerhiya. Karamihan sa mga solar panel ay nagtatagal ng 25 taon o higit pa. Sa mga taong iyan, makakatipid ka ng kuryente kada buwan at makapag-ipon ka ng mahigit pa sa paunang gastos mo. Masasabi natin na isa talagang investment ang pagkakaroon ng solar panel.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Solar Panels: Positibo at Negatibong Epekto sa Ekonomiya ng Bansa
Rate this post