Search

OFW Loan: Saan Kaya Pwedeng Umutang ang mga OFW?

OFW Loan: Saan Kaya Pwedeng Umutang ang mga OFW?

Ang artikulong ito ay tatalakay sa pangunahing mga impormasyon may kaugnayan sa OFW loan.

Ano ang OFW loan?

Bago natin sagutin ang iyong mga katanungan tungkol sa OFW loan, alamin muna natin kung ano ang kahulugan at saklaw ng salitang ito.

Sa simpleng pananalita, ang OFW loan ay isang uri ng pautang na ibinibigay lamang sa mga OFW o Oversees Filipino Workers. Kung ikaw o ang iyong mga kamag-anak ay biglang magkaroon ng matinding pangangailangan, kayo po ay makakautang gamit ang inyong status bilang OFW.

Ano nga ba ang mga dapat isaisip kung nagbabalak kang umutang ng pera bilang isang OFW? Tandaan na ang utang o loan ay maaaring maging mabuti o masama ang epekto.



Mga pakinabang ng OFW loan

Para sa karamihan, ang pag-utang ay isang paraan para mabilis na masapatan ang mga pangangailangan kahit na hindi kalakihan ang sahod na nakukuha buwan-buwan. Kung ikaw ay uutang, pwede nitong mapag-aral ang iyong mga anak sa desenteng paaralan, makabili ng magandang bahay o sasakyan. Kung ikaw ay nasa abroad at gusto nang umuwi dito sa Pilipinas, ang pag apply ng OFW loan ay maaaring makatulong saiyo na maginhawang makauwi ng bansa na saganang matutustusan ang mga pangangailangan ng iyong pamilya habang ikaw naman ay nag-aadjust pa o naghahanap pa ng bagong mapagkakakitaan dito sa atin.

May kakilala akong isang OFW na nagibang bayan sa pag-asa na ito ay siyang mag-aahon sa kanyang pamilya sa kahirapan. Habang siya ay nasa Dubai, bago paman niya kitain ang pambili nila ng bahay, isang malakas na bagyo ang siyang sumira ng barong barong na tinutuluyan ng kanyang pamilya. Pero dahil mataas na ang sahod niya, siya ay naging kwalipikadong kumuha ng home loan para sa mga OFW. Kung sa sahod niya lamang, hanggang ngayon ay wala pa sana silang bahay. Pero dahil sa OFW loan, naging abot kamay na ang kanilang pangarap na magkaroon ng disenteng bahay.

Mga dapat tandaan bago kumuha ng loan

Baka makakita ka ng mga advertisement tungkol sa OFW loan no co maker o kaya ay OFW loan fast release with no hassle, kaya nagkukumahog ka na umutang. Bago ka magmadaling mag-apply ng loan, basahin mo muna ang bahaging ito para magkaroon ka ng idea kung anong klaseng pag-iingat ang kailangan mong isaisip at gawin.

Tandaan, ang iba’t ibang pautang ay nababagay sa iba’t ibang uri rin ng mga tao. Ang mga loan ay maaaring galing a bangko o iba pang financial institution, online loan companies, microfinance at kahit na sa pawnshop. Mahalagang malaman ng isang OFW kung ano at saan siya mag-aapply ng loan na tama sa pangangailangan niya.

Naglista kami ng ilang kumpanya na nagbibigay ng pautang para sa mga OFW. Sana ay makatulong ito sainyo.

Lending company for OFW: Specialized OFW Lenders

Kung ikaw ay naghahanap ng OFW loan no co maker o OFW loan fast release with no hassle, baka gusto mong tingnan ang aming listahan ng mga specialized OFW lenders o mga kumpanyang sadyang ginawa para magpautang sa mga OFWs. Ang mga kumpanyang ito ay nagpapautang ng pera sa mga nagtatrabaho sa abroad ng hindi gaanong humihingi ng sangkatutak na mga requirements, di tulad ng pag utang sa bangko. Ang halaga na iyong mauutang sa mga kumpanyang ito ay nakadepende sa kung gaano kalaki ang iyong buwanang sahod. Oo, mas madaling makakuha ng OFW loan sa ganitong paraan, pero tandaan na mas mataas din ang interes na ipapatong nila kumpara sa mga bangko.

Balikbayad. Ang Balikbayad ay isang bagong kumpanya sa industriya ng OFW loans. Sila ay naka focus sap ag serbisyo sa mga OFW at mga Seaman. Ipinagmamalaki ng Balikbayad ang kanilang mas mabilis at mas magandang serbisyo sa hanay ng mga kumpanyang nagpapautang sa mga OFW. Ang kanilang mga requirements ay sadyang pinasimple para mas mabilis ang pag-approve sa loan mo. Ang loan application para sa Balikbayad ay isinasagawa online.

Zazu. Ang kumpanyang ito ay nagpapautang sa mga OFW kahit hindi pa man sila nakaka-alis ng bansa. Kung ikaw ay nag-aalala sa mga gastusin na maaaring idulot ng iyong pag-abroad, maaari mong subukan ang Zazu. Ang pag-aapply ng OFW loan sa kumpanyang ito ay ginagawa online kasama na ang pagpasa ng kinakailangang mga dokumento.

PJH. Ang kumpanyang ito ay hindi lamang nagpapautang sa mga OFW kundi tumutulong din sila para makaalis ang isang manggagawa papuntang ibang bansa. Tutulungan ka ng PHJ na magbukas ng bank account, pag-apply ng loan at kung paano maayos na makababalik ng bansa.

123 Lending. Ipinagmamalaki ng 123 Lending ang kanilang OFW loan fast release with no hassle dahil sila ay kilalang nagpapautang ng kanilang same day processing at release. Bagaman sila ay nagsimula sa Cebu noong taong 2013, sila ay may mga opisina na sa Maynila sa ngayon.

Paniguradong OFW loans: Umutang sa bangko

Ang mga bangko ay siyang tradisyunal at safe na paraan upang umutang ng kahit anong uri ng loans. Ang mga bangko ay nag-ooffer ng iba’t ibang uri ng pautang para sa mga manggagawa sa ibang bansa para matugunan ang kanilang mga pangangailangan tulad ng home o auto loans. Ang pag utang sa bangko makakatulong saiyo lalo na kung kailangan mo ng mas malaking halaga. Ang mga bangko ay nagbibigay ng mas mababang interest rates kumpara sa mga OFW lending companies na nabanggit natin sa unahan. Ang mahirap lang sa mga bangko ay humihingi sila ng napakaraming dokumento para umusad ang iyong loan applications.

Banco de Oro. Ang BDO ay isang institusyon na kilalang kaagapay ng mga OFW. Ang kanilang BDO Asenso Kabayan Program ay tumutulong sa ating mga kababayan na nasa abroad na makabili ng bagong sasakyan o bahay, makapagpundar ng bagong negosyo at iba pa. Makakakuha ng loan sa BDO sa mas mataas na halaga ngunit mas mababang interest rate.

PSBank. Ang PSBank ay naglalaan ng iba’t ibang paraan para matulungan ang mga OFW na makamtan ang kanilang mga pangarap, tulad na lamang ng OFW loan. Kung ikaw ay manggagawa sa abroad at gusto mo ng bagong kotse, bahay o negosyo, ang PSBank ay tiyak na makatutulong saiyo.

Landbank. Ang Landbank ay naglalayong makatulong sa mga Pinoy na nasa ibang bansa na makauwi dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang OFW Reintegration Program. Ang programang ito ay nakatutok sa pagpapahiram ng pera sa mga OFW na nagnanais na makapagpundar ng negosyo bago pa man sila umuwi dito sa bansa. Ang proyektong ito ay pinangangasiwaan ng mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mga OFW.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

OFW Loan: Saan Kaya Pwedeng Umutang ang mga OFW?
5 (100%) 1 vote